LUNGSOD NG MALOLOS — Arestado sa inilatag na buy-bust operation ng Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na kung saan isang lalaki na sangkot sa iligal na droga ang naaresto nuong Martes (Mayo 5), bandang 12:45 a.m. sa Brgy. Anilao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Robie” isang driver at residente ng Brgy. Sto Niño, lungsod ng Malolos City, Bulacan.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 3 gramo at nagkakahalaga ng P20,400.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang paalala ng Malolos PNP sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at maging isang One Drug Community ang lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

