NAKATAKDANG simulan ngayong araw ng Martes (Mayo 12) hanggang bukas (Miyerkules, Mayo 13) ang pamamahagi ng tig-P5,000 ayuda o cash assitance para sa mga kwalipikadong tricycle drivers at miyembro ng TODA sa Bayan ng Pandi.
Layunin ng naturang ayuda na makatulong sa mga driver na araw-araw na bumibiyahe upang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa gitna ng patuloy na hamon sa kabuhayan at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang naturang cash assistance ay mula sa pambansang pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programa at inisyatibo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa sektor ng transportasyon.
Ang pamamahagi ng ayuda ay gaganapin sa Mamerto C. Bernardo Memorial Central School na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Pandi. (UnliNews Online)

