CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ng kapulisan ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level ng Baliwag City at Top 3 Most Wanted Person sa Provincial Level sa isinagawang warrant operation bandang alas-12:30 ng tanghali sa Brgy. Makinabang, Baliwag City, Bulacan noong Lunes (Hunyo1).
Ayon sa ulat ni P/Lt. Eisbon L. Llamansares, Chief of Police ng Baliwag City Police Station (CPS), kinilala ang naarestong akusado na si alias “Joan,” 41 taong gulang at residente ng Brgy. Makinabang, Baliwag City, Bulacan.
Inaresto ang akusado ng Tracker Team ng Baliwag CPS katuwang ang RIU3-Bulacan West PIT sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law.
Ang nasabing warrant ay inilabas noong Mayo 4, 2026 ni Hon. Kelly B. Belino, Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Third Judicial Region, Cabanatuan City, Nueva Ecija, labindalawang bilang ng kaso ang akusado ay sinentensyahan ng pagkakakulong ng 1 taon sa bawat kaso.
Matapos maaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang naaayon sa Saligang Batas. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Baliwag CPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant. (UnliNews Online)

