PANDI, Bulacan — Namigay ng mga gamit sa eskwela sa mga Grade 1 students ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kasama ang mga kosehal ng bayan ngayong unang araw ng Balik Eskwela 2026.
Nasa 3,300 na estudyante ang nabigyan ng libreng bag at school supplies sa bawat pampublikong paaralan dito sa bayan ng Pandi.
Ayon kay Mayor Roque, sa loob ng 19 na taon, hindi tayo tumitigil sa misyong ito, ang masigurong ang lahat ng grade 1 ay may sapat na kagamitan sa kanilang unang hakbang sa pag-aaral. Tulong na magpapagaan sa gastusin ng mga magulang at magbibigay inspirasyon sa ating mga kabataan.

“Isang legacy na mag-iiwan ng marka sa bawat Pandieño! Ang paglilingkod at pagseserbisyong may Puso at Talino,” ani pa ng alkalde.
Ngiti naman ng pasasalamat ng mga Grade 1 students ang sumasalubong sa grupo ng alkalde sa bawat eskwelahan na pinuntahan nila. (UnliNews Online)

