Monday, June 8, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Tulak’ ng iligal na droga sa ’Garay, arestado! Baril at shabu, nasamsam

‘Tulak’ ng iligal na droga sa ’Garay, arestado! Baril at shabu, nasamsam

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang hinihinalang drug personality matapos magsilbi ng magkahiwalay na search warrant ang mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 noong Friday (June 5) sa Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan.

Batay sa ulat, kinilala ang naarestong suspek na isang 35 taong gulang na residente ng Sitio Dynamite, Brgy. Matictic, Norzagaray, Bulacan. Isinagawa ang operasyon sa sa bisa ng Search Warrant Nos. 74-M-2026 at 75-M-2026 na inilabas ng RTC Branch 16, Malolos City, Bulacan.

Sa implementasyon ng search warrant, nakumpiska mula sa suspek ang 5 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang apat na gramo at may Standard Drug Price na P27,000. Narekober din ang 1 caliber .38 revolver na may tatlong pirasong live ammunition at isang berdeng belt bag.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang saksi kabilang ang isang halal na opisyal ng barangay at kinatawan ng media. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Norzagaray MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News