Ni RONALYN CRUZ
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan –Dinala na sa Malolos Regional Trial Court Branch 20 ang tatlo sa labing-isang akusado sa anomalya ng flood control projects sa Bulacan noong Lunes ng umaga (June 8).
Kinumpirma ni Criminal Investigation Detection Ggroup (NCR) Chief Police Colonel John Guiagui na nasa kustodiya na ng korte sina Curlee Discaya, Norberto Santos, Merg Jaron Laus. Ang 3 ay kabilang sa 9 na akusadong hawak na ng mga otoridad.
Ayon kay Col. Guiagui, isinailalim na ang tatlo sa proseso ng korte kasunod ng kanilang pag-aresto kaugnay ng maanomalyang flood control projects na ikinagalit ng publiko.
Samantala, walo pa ang patuloy na tinutugis ng CIDG. “Patuloy ang operasyon para madakip ang iba pang akusado. Mas mainam na sumuko na sila sa amin, alam naman nila ang galit ng taong bayan, harapin nila ito,” mensahe ni Col. Guiagui sa dalawang nananatiling at large.
Kasabay nito, dumalo rin sa pagdinig si DILG Secretary Jonvic Remulla upang personal na mag-monitor ng kaso.
Inaasahang magpapatuloy ang preliminary investigation sa mga susunod na araw habang pinaghahandaan ng korte ang kaso laban sa mga akusado. (UnliNews Online)

