Thursday, June 11, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews24 timbog sa iligal na droga; P516K halaga ng shabu nasamsan ng...

24 timbog sa iligal na droga; P516K halaga ng shabu nasamsan ng Bulacan PNP

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office ang 24 indibidwal na sangkot sa iligal na droga matapos ang magkakahiwalay na anti-drug operations na isinagawa nung Martes at Miyerkules (Hunyo 9-10) kung saan nasamsam ang 49 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang higit P516,324.00, kasama ang ginamit na buy-bust money.

Batay sa report ni P/Lt. Col. Reyson M. Bagain, Hepe ng San Jose Del Monte CPS, 4 na drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation laban sa iligal na droga sa Brgy. Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan noong Martes (Hunyo 9) dakong 09:48 ng gabi.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 6 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P170,000 at buy-bust money.

Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng Malolos, Marilao, Baliwag, Plaridel Meycauayan, San Rafael, Paombong, Obando, at Bocaue Police Station, dalawampung indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 43 na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang P346,324 at mga buy bust money.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pahayag ni P/Col. Jay b. Baybayan, Officer-in-Charge, Bulacan PPO, kanyang binigyang-diin na ang walang-sawang kampanya laban sa ilegal na droga ay upang mapigilan ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News