Thursday, June 11, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Tirador’ ng motorsiklo na may bitbit na shabu, arestado sa Norzagaray

‘Tirador’ ng motorsiklo na may bitbit na shabu, arestado sa Norzagaray

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Mabilis na naaresto ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaki matapos umano nitong tangayin ang isang motorsiklo sa Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan at makuhanan pa ng hinihinalang iligal na droga nu’ng Linggo (Hunyo 7).

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Ismael C. Gauna, acting Chief of Police ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si alias “Rey”, 33 taong gulang at residente ng Sitio Pugpog, Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan.

Base sa imbestigasyon, napag-alaman na ipinarada ng biktima ang kanyang kulay abong Honda Click 125 sa labas ng kanilang bahay at hindi sinasadyang naiwan ang susi sa ignition.

Makalipas ang ilang sandali, napansin niya ang suspek na mabilis na umaalis habang minamaneho ang kanyang motorsiklo. Bagama’t sinubukan niyang habulin ito, hindi niya agad naabutan kaya’t agad niyang iniulat ang insidente sa Norzagaray MPS.

Dahil sa agarang aksyon ng pulisya, nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Investigation Section at duty patrollers na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakarekober ng tinangay na motorsiklo.

Sa isinagawang pag-aresto at inventory, nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang 6 na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 3 gramo at tinatayang Standard Drug Price na P20,400.00, gayundin ang kanyang driver’s license.

Matapos ang kaukulang inventory at dokumentasyon sa harap ng mga kinakailangang saksi, dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Norzagaray MPS para sa karagdagang imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act at Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News