CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya sa internal cleansing ng Bulacan Police Provincial Office nagsagawa ng surprise drug test sa isang daan at apatnapu’t walong (148) tauhan ng Provincial Headquarters, kabilang ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP).
Ito ay pinangunahan ni PCol. Jay B. Baybayan, Officer-in-Charge, upang mananatiling matatag ang Bulacan PNP sa walang humpay nitong kampanya laban sa iligal na droga.
Patuloy na susuportahan ng Bulacan Police Provincial Office ang programa ng Philippine National Police para sa internal cleansing at titiyakin na paiigtingin pa ang mga hakbang upang mapanatiling malinis ang hanay ng kapulisan mula sa mga tiwaling pulis.
Mariing binigyang-diin ni Col. Baybayan na sa ilalim ng kanyang pamumuno, walang puwang sa Bulacan PPO ang sinumang lalabag sa batas o masasangkot sa ilegal na droga.
“Aktibo nating ipatutupad ang mga reporma, magsasagawa ng mga hindi inaasahang inspeksyon, at magsasagawa ng biglaang random drug testing sa lahat ng tauhan upang matiyak ang paghahatid ng mahusay at maaasahang serbisyo sa publiko,” ani Col. Baybayan. (UnliNews Online)

