Friday, July 3, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBayan ng Pandi, napiling pilot study site ng DOST-FNRI para sa ‘Project...

Bayan ng Pandi, napiling pilot study site ng DOST-FNRI para sa ‘Project LUSOG’

Ni RONALYN CRUZ

PANDI, BULACAN — Pinili ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang Bayan ng Pandi bilang pilot study site para sa Project LUSOG.

Isinagawa ang pagpupulong, documentation, at group discussion noong Huwebes (July 2, 2026), sa pagitan ng DOST-FNRI at ng lokal na Pamahalaan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque.

Ang Project LUSOG o Local Upscaling of Sustainable Operations for Growth ay isang research project ng DOST-FNRI. Layunin nitong suriin ang implementasyon ng mga lokal na programa sa nutrisyon at bumuo ng evidence-based na rekomendasyon upang mas epektibong matugunan ang undernutrition at overnutrition sa komunidad.

Napili ang Pandi bilang pilot site dahil kinilala ito bilang 2024 Regional Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Awardee ng National Nutrition Council (NNC).

Ang CROWN Award ay iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na nakakuha ng Green Banner Seal of Compliance sa loob ng tatlong magkakasunod na taon at nagpakita ng mahusay na pagpaplano, pamamahala, at implementasyon ng lokal na nutrition programs.

Ayon kay Mayor Roque, mahalaga ang mga datos at insight na makakalap mula sa pag-aaral dahil magsisilbi itong gabay upang mas mapabuti pa ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa mga Ka-Pandieño.

Ang Project LUSOG ay isinasagawa ng DOST-FNRI katuwang ang mga piling lokal na pamahalaan sa bansa. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News