NAGSAGAWA ng isang courtesy call kay Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad ang mga opisyales at miyembro ng bagong tatag na grupo ng mga mamamahayag sa Lalawigan ng Bulacan, ang Digital Writers’ Guild, na aangkop at sesentro ang pag-uulat ng mga balita sa pamamagitan ng digital writing, ang moderno at makabagong teknolohiya. Ang bagong grupo ay pamumunuan ni Ace Cruz (Ace News TV) bilang Pangulo at Theofel Santos (Radio Veritas) bilang Pangalawang Pangulo. (Contributed photo)

