Tuesday, July 14, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews5 ‘tulak’ ng shabu sa Malolos at Hagonoy, nasakote!

5 ‘tulak’ ng shabu sa Malolos at Hagonoy, nasakote!

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Limang sangkot sa iligal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos at Hagonoy sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa noong Sabado (July 11).

Batay sa naging ulat, umabot sa humigit-kumulang 10.4 gramo ng shabu na may halagang humigit-kumulang P70,720.00 ang nasamsam sa isinagawang operasyon.

Ayon kay P/Lt. Col. Leonard M. Lim, Hepe ng Hagonoy MPS, sa unang operasyon na isinagawa dakong 11:30 a.m. sa Brgy. Iba, Hagonoy, Bulacan, naaresto ang mga suspek na sina Alyas Cat, 48 taong gulang, at Alyas Axen, 32 taong gulang. Nasamsam mula sa kanila ang humigit-kumulang 3.0 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang humigit-kumulang Php 20,400.00, gayundin ang buy-bust money.

Samantala, sa ikalawang operasyon na isinagawa dakong 9:30 p.m sa Brgy. Palapat, Hagonoy, Bulacan, naaresto naman sina Alyas Nik, 27 taong gulang, at Alyas Ed, 24. Narekober mula sa kanila ang humigit-kumulang 6.3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang humigit-kumulang na P42,840.00, kasama ang buy-bust money.

Batay naman sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Hepe ng Malolos CPS, naaresto ang suspek na si Alyas Badjo, 21 taong gulang, at residente ng Northville 8, Brgy. Bangkal, City of Malolos bandang 5:20 p.m. noong Sabado at nagresulta sa pagkakasamsam ng tatlong plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 1.10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga na P7,480.00, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at kriminalidad, alinsunod sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News