Sunday, July 19, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMaglive-in partner ’huli sa shabu sa SJDM City

Maglive-in partner ’huli sa shabu sa SJDM City

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ang maglive-in partner sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng San Jose del Monte CPS at nasabat ang tinatayang mahigit P176 libong halaga ng ipinagbabawal na droga nu’ng Miyerkules ng gabi (Hulyo 15).

Base sa ulat, ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Element Unit (CDEU) ng SJDM CPS sa Blk-9, Phase 4a, Raising Village, Barangay Minuyan Proper, SJDM City.

Kinilala ang mga dinakip na sina alias Toto, 29-anyos; at ang ka-live partner nito na na si alias Trixia, 26- anyos at kasalukuyang nakatira sa Tower Ville.

Nahuli ang mga suspect matapos ibenta ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa poseur-buyer kapalit ng markadong limang daang piso.

Sa isinagawang pagsusuri, nakuha rin mula sa kanila ang anim pang sachet ng parehong hinihinalang shabu bukod sa ginamit na pera. Ang kabuuang timbang ng nasabat ay tinatayang aabo sa 26 gramo.

Ipinaalam nang maayos sa dalawa ang dahilan ng pag-aresto at kanilang mga karapatan. Isinagawa ang pagmamarka at paglilista ng ebidensya sa harap ng mga saksi alinsunod sa Seksyon 21 ng RA 9165 bago dinala sa punong istasyon kasama ang mga ebidensya.

Haharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

(Source: BulPPO)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News