Thursday, September 3, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsCalumpit PNP, agarang nag-responde sa mga binaha sa Calumpit!

Calumpit PNP, agarang nag-responde sa mga binaha sa Calumpit!

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Agarang tumugon sa mga nangangailangan ng tulong ng Calumpit police nang matagumpay na nailigtas ng ang 7 katao, kabilang ang 4 na matatanda at 3 menor de edad, sa isinagawang search and rescue operation sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, matapos umabot sa mapanganib na antas ang baha sa ilang bahagi ng lugar nu’ng Martes (Sept. 1).

Sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Leopoldo L. Estorque, Calumpit Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng PNP Regional Maritime Unit 3 (RMU3) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Joel C. Garcia, Regional Chief, at isang Barangay Kagawad ng Brgy. Calizon, matapos makatanggap ng tawag sa Unified 911 hinggil sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong.

Sa kabila ng malalim at patuloy na pagtaas ng tubig-baha, matagumpay na naisagawa ng rescue team ang kanilang misyon gamit ang rubber boat at ligtas na nailikas ang lahat ng pitong indibidwal nang walang naitalang pinsala.

Sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Jay. B. Baybayan, Acting Provincial Director, Bulacan PPO, at bilang pagsuporta sa programang JBM Patrol System na isinusulong ni P/Brig. Gen. Jess B. Mendez, Regional Director, Police Regional Office 3 (PRO3), nananatiling handa at alerto ang Bulacan PNP sa pagbibigay ng mabilis na pagtugon at serbisyong may malasakit upang matiyak ang buhay at kaligtasan ng bawat Bulakenyo, lalo na sa panahon ng kalamidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News