LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga –Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang P408,000 halaga ng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo at naaresto ang dalawang suspek sa isang buy-bust operation noong gabi ng Oktubre 14 sa Barangay Dapdap, Mabalacat City, Pampanga, sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.
Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, at Mabalacat City Police Station bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.
Pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Pampanga PPO ang operasyon katuwang ang PDEA RO3, Pampanga Provincial Office, at Mabalacat City Police Station.
Ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEU Office ng Pampanga PPO para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Isasagawa ang mga kinakailangang proseso para sa pagsasampa ng kaukulang kaso alinsunod sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Tuloy-tuloy ang laban kontra ilegal na droga—para sa mas ligtas na Pampanga,” ani P/Col. Ricardo M. David, Pampanga Provincial Director. (UnliNews Online)

