BUSTOS, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ng Provincial Government of Bulacan ang programang Damayan sa Barangay sa Barangay Buisan sa nabanggit na bayan.
Nakibagi sa naturang programa si Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI) Chairperson Ate Athenie Fernando Ramirez-Bautista na patuloy na nagsusulong ng serbisyong medikal at malasakit para sa mga Bulakenyo.

Sa nabanggit na programa, naihatid ang iba’t ibang libreng serbisyo gaya ng medical at dental check-up, gamot at laboratory tests (ECG, X-ray, Ultrasound), medical assistive devices, eye check-up na may libreng reading glasses, pamamahagi ng punla/binhi, at libreng gupit at masahe.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng pagkalinga at pagtutulungan bilang susi sa mas maayos na pamumuhay, at nagsilbing hakbang tungo sa mas malusog, matatag, at nagkakaisang komunidad sa Bulacan. (UnliNews Online)

