Wednesday, July 22, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews20 arestado, P329K halaga ng shabu nasabat ng Bulacan PNP

20 arestado, P329K halaga ng shabu nasabat ng Bulacan PNP

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa mas pinaigting na laban kontra sa iligal na droga ng Bulacan pulis, matagumpay na nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation noong July 18-19, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 20 katao na sangkot sa iligal ng droga, pagkakasamsam ng 50 sachet ng hinihinalang shabu at mahigit P329,120.00 halaga at buy-bust money.

Batay sa report ni P/Lt. Col. Eisbon L. Llamasares, Chief of Police, Baliwag CPS isang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Brgy. Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan noong July 19, 2026 dakong 12:35 ng madaling araw.

Nakumpiska mula sa suspek ang 5 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramo at may halagang P68,000.00 at buy-bust money.

Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng Meycauayan, SJDM, Hagonoy, Pandi, Calumpit, Paombong, Malolos, at Drt Police Station, 19 pa na indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 45 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang P261,120.00 at buy bust money.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bilang bahagi ng pinaigting na laban kontra sa ilegal na droga, patuloy ang Bulacan Police Provincial Office sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga sangkot dito.

Ayon kay P/Col. Jay B. Baybayan, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang mga ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News