Friday, September 4, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsEmployment opportunity para sa mga Pandieño!

Employment opportunity para sa mga Pandieño!

PANDI, Bulacan — Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng local recruitment activity katuwang ang Mang Inasal para sa mga job seeker Pandieño na nagnanais nang oportunidad na makapagtrabaho.

Naging sentro ng aktibidad ang pagtanggap ng mga aplikasyon at pagsasagawa ng job interviews para sa mga residenteng naghahanap ng trabaho at nais makakuha ng bagong employment opportunity.

Iba’t ibang aplikante ang nagtungo sa recruitment activity, dala ang kanilang mga resume at kwalipikasyon, upang subukan ang mga available na posisyon at sumailalim sa proseso ng screening at interview.

Para sa mga job seeker, nagsilbi ang aktibidad bilang direktang pagkakataon na makaharap ang employer, maipakita ang kanilang kakayahan at karanasan, at malaman ang mga trabahong bukas para sa mga kwalipikadong aplikante.

Patuloy namang isinusulong ng PESO Pandi ang mga programang naglalayong mapalawak ang access ng mga residente sa employment opportunities sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong kumpanya at iba pang sektor.

Ayon kay Mayor Enrico Roque, layunin ng mga recruitment activity na mapadali ang job matching sa pagitan ng mga naghahanap ng trabaho at mga employer na nangangailangan ng mga bagong manggagawa.

“Sa gitna ng patuloy na paghahanap ng trabaho ng maraming Bulakenyo, mahalaga ang mga programang nag-uugnay sa lokal na workforce at mga employer—dahil ang bawat job opportunity ay maaaring maging simula ng panibagong kabuhayan para sa isang pamilya,” dadag pa ng alkalde. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News