CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isinagawa ang signing of Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) at Church and Defense Hubog Asal Movement (CADHAM) nu’ng Friday (Sept. 4) sa Kabalikat Officers Lounge sa nasabing kampo.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni P/Col. Jay B. Baybayan, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga faith-based at civic organizations upang maisulong ang mga programang naglalayong palakasin ang disiplina, mabuting asal, at responsableng pag-uugali sa komunidad.
Nagpaabot naman ng mensahe ng suporta si Bishop Danile P. Osorio, Chairman ng CADHAM, kasama si Ms. Athenie R. Bautista, Chairperson ng Damayang Filipino Movement Inc., bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa mga inisyatibang naglalayong magkaroon ng positibong epekto sa mga mamamayan, partikular sa kabataan at mga komunidad.
Sa pamamagitan ng kasunduan, inaasahang mapapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng Bulacan PPO at CADHAM sa pagpapatupad ng mga programa at aktibidad na nakatuon sa character formation, values development, peace and order, at community engagement.
Binigyang-diin ni Col. Baybayan na mahalaga ang pagkakaisa ng PNP at mga katuwang na organisasyon upang makabuo ng mas ligtas, disiplinado, at responsableng pamayanan, alinsunod sa layunin ng Bulacan PPO na maihatid ang “Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.” (UnliNews Online)

