CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Sa tuluy-tuloy na laban kontra sa iligal na droga, matagumpay na nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operation ang Bulacan Police Provincial Office noong Biyernes (Sept. 5), na nagresulta sa pagkakaaresto ng 11 na indibidwal, pagkakasamsam ng 22 sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P199,920.00 at buy-bust money.
Batay sa report ni P/Lt. Col. Nelson M. Sardin, acting Chief of Police ng San Jose del Monte City Police Station, isang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation laban sa ilegal na droga sa Brgy. Minuyan Proper, SJDM, Bulacan noong Setyembre 5, 2026 dakong 7:21 ng gabi.
Nakumpiska mula sa suspek ang 2 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P47,600.00 at buy-bust money.
Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng pulis ng San Miguel, Bulakan, Bocaue, Norzagaray, at Plaridel Police Station, 10 pa na indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 20 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang P152,320.00 at buy bust money.
Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (UnliNews Online)

