BALIWAG CITY — Personal na nagtungo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon Baliwag upang magsagawa ng inspection sa ginagawang rehabilitasyon ng Daang Maharlika sa DRT Highway at makita mismo ang kalagayan ng kalsada sa nabanggit na lungsod.
Agad namang nakipag-ugnayan sina City Mayor Sonia Estrella at Vice Mayor Ferdie Estrella kay Sec. Dizon at sinamahang inspeksyunin ang ginagawang rehabilitation at upgrading sa mga kalsadahan sa nabanggit na lungsod at sa kahabaan ng Daang Maharlika.
Binigyang-diin ng DPWH ang kanilang matibay na commitment sa Baliwag City na sa loob ng hindi lalampas sa isang taon, ay makukumpleto na ang rehabilitation ng ating DRT Highway.
Gayunpaman, nauunawaan din natin na kailangang i-factor ang mga bagyo at iba pang weather conditions na maaaring makaapekto sa timeline ng proyekto.
Uunahin sa proyekto ang pag-aayos ng drainage system, kasunod ang rehabilitation ng mismong kalsada.
Buong puso at lakas-loob namang pinanghahawakan ang commitment na ito ng DPWH. Matagal nang isinisigaw at ipinapanawagan ang problemang ito, at ngayon, umaasa tayong tuluyan na itong mabibigyan ng konkretong solusyon.
Umabot na malapit sa hangganan ng Lungsod ng Baliwag at San Rafael, Bulacan ang ginagawang rehabilitasyon ng Daang Maharlika.
Sa ginawang pagsusuri ni Sec. Dizon, kailangang itaas ng 0.7 meters ang bahagi ng highway upang hindi maging ipunan ng tubig na nagdudulot ng pagbaha.
Itutuloy na ang pagsasaayos nito na naantala nang tatlong taon
Ayon kay Mayor Estrella, “Bilang Ina ng lungsod, patuloy tayong makikipag-ugnayan, magbibigay-bantay, at magta-trabaho upang matiyak na uusad at maayos na maisasakatuparan ang proyektong ito para sa ating mga Baliwagenyo”.
“Maraming salamat po, Secretary Vince Dizon, sa inyong personal na pagpunta, pakikinig, at higit sa lahat, sa inyong commitment na matugunan ang matagal nang problema ng ating DRT Highway, dagdag pa ng alkalde”. (UnliNews Online)
Source: FB Page Mayor Sonia Estrella

