Monday, September 21, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBaliwag 911 Emergency Hotline, inilunsad!

Baliwag 911 Emergency Hotline, inilunsad!

BALIWAG CITY, Bulacan — Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod nitong ika-17 ng Setyembre 2026 ang Baliwag 911 Emergency Hotline upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency at agarang pangangailangan ng mga residente.

Bahagi na ngayon ng emergency response system ng lungsod ang hotline, na magsisilbing direktang linya ng mga Baliwagenyo para sa mabilis na tulong sa oras ng aksidente, sakuna, krimen at iba pang emergency.

Sa naturang aktibidad, nagbahagi ng mensahe si Usec. Jed Patrick Mabilog, Undersecretary for Public Safety ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang maayos at episyenteng emergency response system upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Pinuri rin ni Usec. Mabilog ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pagbibigay-prayoridad nito sa pagkakaroon ng sariling local 911 system, kabilang ang paglalaan ng kinakailangang pondo para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng sariling Emergency Command Center at pagbuo ng hanay ng mga emergency telecommunicators na nakahandang tumanggap at umaksyon sa mga tawag mula sa publiko.

Nagbigay rin ng mensahe si Dir. Francis Fajardo, Executive Director ng Emergency 911, ukol sa kahalagahan ng koordinasyon at agarang pagtugon sa mga emergency call upang mas mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pangkaligtasan sa mga mamamayan.

Opisyal nang naging bahagi ng emergency response system ng Baliwag City angBaliwag 911 Emergency Hotline, na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod nitong ika-17 ng Setyembre 2026 sa Baliwag Business Center upang higit na mapabilis ang pagtugon sa mga emergency at pangangailangan ng mga Baliwagenyo.

Kabilang din sa mga dumalo sina Kon. Rodrigo Baltazar, Kon. Lowell Tagle, mga kapitan ng barangay, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga opisinang nanguna sa paglulunsad ng 911 Emergency Hotline, at mga pinuno at kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Matapos ang programa, isinagawa ang ocular visit sa 911 Emergency Response Center upang ipakilala ang pasilidad at ipakita ang operasyon ng bagong emergency response system ng lungsod.

Bukas 24 oras, pitong araw sa isang linggo ang Baliwag City 911 at maaaring tawagan nang libre ng mga Baliwagenyo gamit ang iba’t ibang mobile networks.

Sa pamamagitan ng Baliwag City 911 Emergency Hotline, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Mommy Sonia V. Estrella, ang mga hakbang para sa mas mabilis, organisado, at maagap na pagtugon sa mga emergency, tungo sa higit na ligtas at maayos na pamayanan. (UnliNews Online)

Source: Baliwag City Information Office

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News