NAGING mabunga ang pulong na isinagawa ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development (PAGPTD,) sa City of Malolos, kamakailan.
Nagpasalamat sa naturang okasyon si P/Col Relly B. Arnedo, Police Prov’l Director ng Lalawigan ng Bulacan, sa suportang ibinibigay ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa PNP, kay Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD at sa lahat ng miyembro ng Advisory Group sa nasabing lalawigan.
Ilan sa nasabi ni Arnedo, ay ang kakulangan ng bilang ng kapulisan, kailangan mag-recruit pa, partikular sa Bulacan. Wika pa niya na nangunguna ang Region 3 sa implementasyon ng mga programa ng PNP, at malaki na ang ibinababa ng krimen sa Lalawigan. Suggestion niya sa Advisory Group.na i-konsider ang panukala na istraktura sa PNP. Enhance the human capability at ilagay ang maneuver Special Weapons and Tactics (SWAT) sa Police station.
Gayundin nagpasalamat si Atty. Arlene Castro –Co, Chairperson ng PAGPTD, wika niya na kailangan tulungan ang PNP, dahil iyun ang ating purpose. Tutulungan din niya na i-endorse sa NAPOLCOM ang structuring ng PNP, na nais ni P/Col Arnedo.
“Nais kong makaiwan ng magandang legacy sa PAGPTD,” sa pagtatapos ni Atty. Castro-Co.
Ang ‘Advisory group o Council’ ay binubuo ng mga respetadong miyembro mula sa akademya, relihiyon, MEDIA, negosyo, kabataan at iba pang sector ng lipunan. Sila ay mga boluntaryong sumusuporta sa isang organisasyon tulad ng sa PNP. Tumutulong sa pulisya sa pagtukoy ng priyoridad at estratehikong isyu o suliranin alinsunod sa PNP ITP-PGS (PATROL Plan 2030) at magbigay ng mga pananaw sa paghahanay ng mga patakaran, plano at programa ng PNP sa mga pangangailangang pampulitika, sosyo-ekonomiko, kultura at moral na pag-unlad ng organisasyon. Ang inyong Katropa ay napili na mapabilang sa PAGPTD.
Tsk! Tsk! Tsk! Damang dama ng Katropa ang pagiging masigasig ng Advisory group na matulungan ang PNP, partikular na sa pagresolba ng krimen. Nagbigay sila ng kuru-kuro, payo at ilang hakbangin kung paano maiiwasan, matutop at maapula ang mga kriminal na magnakaw sa isang pamilihan.
Kung may mga CCTV cam lamang, ika ng isang miyembro ng Advisory group, ay madaling makikilala ang mga kawatan. Iminungkahi naman ng inyong Katropa bilang karagdagan, na ang Advisory group ay magpadala ng panukala sa lahat ng LGU na gumawa ng ordinansa na ipagbawal ang pagsusuot ng helmet o maskara kapag papasok sa isang ‘convenience store, Mall’ o sa anumang pribadong pamilihan. Dahil kahit na may CCTV cam, kung nakamaskara o nakahelmet ay mahirap mamukhaan ang isang kriminal.
Pasalamat tayo sa magagaling na emcee sa nasabing pulong na sina P/Cpl Michelle Miranda at P/Cpl John Mickey Tan. Gayundin ang maayos na pagpapatupad ng peace and order sa bayan ng Pandi, sa pamamahala ni Chief P/Lt. Col. Gilmore Wasin at kanyang mga tauhan. Mabuhay ang lahat! (UnliNews Online)