Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsGroundbreaking ng Malolos Housing Project, isinagawa

Groundbreaking ng Malolos Housing Project, isinagawa

LUNGSOD NG MALOLOS  — Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng City of Malolos Housing Project 2023-2025, alinsunod sa sabay-sabay na pagpapasinaya at groundbreaking ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing  (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Miyerkules (April 19) sa Barangay Santor.

Pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Undersecretary Engr. Wilfredo Mallari, Assistant Secretary Johnson Domingo, Malolos City Mayor Christian D. Natividad, City Administrator Joel Eugenio at City Planning and Development Coordinator Engr. Eugene N. Cruz ang naturang groundbreaking ceremony ng murang pabahay para sa mga Malolenyo.

Ang 4PH ay isa sa mga prayoridad na programang isinusulong ng Pamahalaang Nasyunal sa pangunguna ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng DHSUD katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

“Ang apat na palapag na gusali na itatayo sa 2.6 na hektarya na lupa sa Brgy. Santor ay inaasahang makapaglalaan ng 675 units. Ito ay maipagkakaloob sa mga Malolenyong maaaring maging benepisyaryo nito, katulad ng mga naninirahan sa danger zones, mga walang sariling tahanan, low income earners at informal workers,” ani Mayor Natividad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments