Thursday, December 5, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaEat Bulaga, hindi ‘rebranding’ kundi ‘rebonding’ ang ilalatag

Eat Bulaga, hindi ‘rebranding’ kundi ‘rebonding’ ang ilalatag

ANG daming nag-abang sa interbyu ni Kuya Boy Abunda kay Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc., para bigyang linaw umano ang pagbabago sa Eat Bulaga.

Sa Fast Talk ng King of Talk last Wedneday ay guest ng TV host ang Chief Finance Officer ng TAPE INC.at mayor ng Dapitan City, si Mayor Bullet Jalosjos para linawin ang isyu sa EB.

Isa sa kinumpirma ng CEO ay ang pananatili ng Tito, Vic and Joey bilang mga host ng noontime show.

Ayon pa kay Mayor Bullet, hindi rebranding kundi “rebonding” ang gagawin nila sa Eat Bulaga.

Ani ng Dapitan Mayor, “Ang joke nga ni Joey mismo, it’s not a rebranding, it’s rebonding. Rebonding ng kompanya, rebonding ng mga kapamilya, I mean ng pamilya sa Eat Bulaga. rebonding ng executives. Rebonding din ng GMA.”

Marami ang nag-aakalang bago at ngayon pa lang papasok ang mga ehekutibo ng naturang show.

Iilan lang kasi ang nakakaalam na matagal nang pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos ang TAPE.

“Matagal na rin naming gustong i-clear out. Ang totoo niyan, wala naman pong takeover. People have been retiring. Si Tony Tuviera starting March. And Tita Malou Fagar also, so it’s just right na pumasok na rin po and maging active ‘yung board of directors,” paglilinaw n ni Mayor Jalosjos.

Nilinaw din niya na bago pa magpandemya ay humihiling na umano si Tony Tuviera na magretiro. Si Tony Tuviera ang dating co-owner ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. at nasa likod ng tagumpay ng Eat Bulaga mula pa nang magsimula ito noong 1979.

Kinumpirma ng CEO na nagretiro na si Tuviera nitong Marso.
Wala rin daw lipatan na mangyayari.

Mananatili pa rin umano ang noontime show sa GMA 7 dahil may kontrata nila pa sila sa network hanggang 2025 .

“What we are doing right now is trying to get involved, immerse ourselves sa show. We haven’t been visible, we haven’t been felt, and ngayon, we need all the help we can get,” sambit pa ni Mayor Bullet. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments