Thursday, May 23, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews PampangaPampanga nagpadala ng volunteer team sa Mindoro Oriental

Pampanga nagpadala ng volunteer team sa Mindoro Oriental

PAMPANGA — Nagpadala ng volunteer team ang lalawigan ng Pampanga upang tumulong sa paglinis ng mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro Oriental.

Labing siyam na sasakyan kabilang ang wing van, freezer van, bus, fuel tanker, water tanker, ambulance, pick up, mobile patrol, at mga transport vans ang nagbiyahe dala ang tulong ng mga Kapampangan para sa mga nasalanta ng oil spill.

Ayon kay Pampanga Governor Dennis “Delta”Pineda unang pinaalis nito ang papuntang advance party ng volunteers at PDRRMO staff.

Aniya, mula Pampanga ay sasakay ng RoRo sa pier ang grupo papuntang Oriental Mindoro.

“Humihingi po ako ng dasal para sa ligtas na paglalakbay ng Pampanga Team,” sabi na gobernador.

Dala ng volunteer team ang mga food packs at iba pang kagamitan na kailangan mga biktima ng oil spill. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments