PANDI, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ang Cash for Training Program sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng Climate Change Adaptation and Mitigation Program (CCAM) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng programang ito na lalo pang mapalakas ang dedikasyon ng LGU sa maayos at epektibong implementasyon ng proyekto, at higit sa lahat, maisulong ang climate resilience sa gitna ng patuloy na hamon ng krisis.
Nabigyan ng dagdag kaalaman at oportunidad ang sektor mula sa mga magsasaka, 4Ps beneficiaries, PWDs, solo parents, kabataan, LGBTQIA+, at TUPAD beneficiaries. Hindi lamang makapagbigay ng ayuda at hanapbuhay ang layon ng programang nabanggit, kundi maipaunawa din ang kahalagahan ng pag-iingat sa ating kalikasan.
Sa bawat pagsasanay at oportunidad na inihahatid, hangad po namin (Pandi LGU) ang mas matatag, mas maunlad, at mas magandang kinabukasan para sa bawat Pandieño.
Hindi rin matatawaran ang presensya at suporta ni Mayor Rico Roque, na patuloy na nagmumula sa malasakit ang kanyang pamumuno, at walang humpay sa pagtutulak ng mga programang tunay na may saysay para sa kanyang mga kababayan. (UnliNews Online)

