LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal na kinilala at itinanghal ang Barangay Dakila na isa sa apat na Best Barangay sa nabanggit na lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Atty. Christian Natividad at ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasabing programa. Dinaluhan ito ng mga opisyales ng Malolos at DILG, kasama sina DILG Regional Director Ma’am Araceli A. San Jose, CESO III, Provincial Director Ma’am Myrvi Apostol-Fabia, CESO V at LGOO VI Digna A. Enriquez.
Lubos ang saya at pasasalamat ng bawat miyembro ng Sangguniang Barangay ng Dakila sa pangunguna ni Igg. Barangay Chairman Vener C. Dela Cruz at mga kagawad, sa parangal na ito.
“Ang pagkilala pong ito ay bunga ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos para sa mas maayos, maganda at progresibong Dakila. Gayundin, isang paalala na madami pa tayong magagawang mabuti para sa komunidad at sa isa’t isa. Lahat po ng ating tagumpay, ay naging posible dahil sa gabay at pagpapala ng ating Panginoon,” pagbabahagi ni Kap Vener.
Bukod sa Barangay Dakila, ang tatlong pang barangay na tumanggap ng pagkilala bilang mga Best Barangays sa Lungsod ng Malolos ay ang Barangay ng Celero, Sto. Cristo at Sumapang Matanda.(UnliNews Online)

