PANDI, Bulacan- Umarangkada na!
Ikalawang linggo ng pagbubukas ng klase naging mas makulay at masaya noong lunes, June 15, para sa mahigit 3,000 little Pandieño matapos simulan ng Lokal na Pamahalaan ang pamimigay ng libreng ID, school supplies, uniporme, at learning kits sa lahat ng Day Care Centers sa bayan.

Sa pangunguna ni Mayor Enrico “Rico” Roque, personal na tinanggap ng mga bata ang kanilang mga kagamitan para sa unang hakbang nila tungo sa pangarap. Tunay na “Serbisyong Puso at Talino” ang ipinamalas ng administrasyon, dahil hindi lang kagamitan ang ibinigay kundi pag-asa at inspirasyon sa mga bata.
“Naiyak ako sa saya Ma’am. Hindi na ako mamomroblema sa gamit ng anak ko,” kwento ni Aling Marites, nanay mula Brgy. Bunsuran.

May “Bagong bag! Ako teacher!” sigaw naman ni Miguel, 4 years old, habang pinapakita ang learning kit nya sa mga kaklase.
Hindi lang gamit ang dala ng programa. Dala rin nito ang ngiti. Kitang-kita sa mukha ng mga bata ang saya habang hawak ang bagong bag at uniporme. Lalo pang sumigla ang araw nang buksan ang mga inihandang palaruan agad na nagtakbuhan at naglaro ang mga bata.
Mensahe ni Mayor Rico;
“Naniniwala tayo na ang bawat batang Pandieño ay may malaking pangarap na dapat suportahan. Kaya patuloy tayong maghahandog ng mga programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad para sa bawat Pandieño.”
Handa nang mangarap. Handa nang matuto.
’Yan ang bagong kwento ng mga little Pandieño. (UnliNews Online)

