Monday, July 15, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews Bulacan40 aplikanteng Bocaueño na na-hire on the spot sa job fair

40 aplikanteng Bocaueño na na-hire on the spot sa job fair

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Umabot sa apatnapung aplikanteng Bocaueño ang na-hire on the spot sa job fair na isinagawa kamakailan ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna sa gabay at suporta ni Mayor Jon Jon Villanueva.

Ayon kay Vice Mayor Tugna Nasa humigit kumulang sa isangdaang kababayang Bocaueño naman ay in process ang application sa mga employers at may pag-asang matanggap sa trabaho.

Malugod na napapasalamat ang bise alkalde sa 23 local companies at 3 overseas agencies na nakilahok sa naturang job fair.

“Dahil po sa inyo ay magkakaroon ng trabaho ang aming mga kababayan,”ani Tugna.

Nagpasalamat din si Tugna sa ibinigay na suporta ni Mayor Villanueva, mga barangay captains na tumulong sa pag-information dissemination sa kanilang mga barangay tungkol sa job fair, mga kawani ng PESO, Ms. Lani Aguacito, BTEC, sa ating Provicial PESO Manager, SK President, Konsehala Jamela Mendoza, Atty. Kenneth Ocampo-Lantin at job placement officer, Carlos Yabut.

“Ang nasabing job fair ay isa lamang sa mga programa na ating isinasagawa bilang pagtupad sa aking pangako na makapagdagdag ng trabaho at kabuhayan sa ating bayan,” ani Vice Mayor Tugna. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments