CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng City of San Jose del Monte PNP ang dalawang pinaghihinalaang sangkot sa iligal na kalakalan ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Towerville 6, Phase 6D, Barangay Gaya-Gaya, Bario Matiti nu’ng Huwebes (Aug. 27).
Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina alias “Jojo,” 24 anyos, at alias “Paul,” 30 anyos, kapwa sa nasabing lungsod.
Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Element Unit (CDEU) ng SJDM City Police Station ang operasyon sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA.
Nadakip umano ang mga suspek matapos umanong magbenta ng shabu sa isang poseur-buyer ng pulisya kapalit ng marked money na isang limang-daang piso.
Sa isinagawang protective search, nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P88,400, bukod pa sa ginamit na marked money.
Isinagawa ang on-site markings at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng mga insulating witness, alinsunod sa Seksyon 21 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. (UnliNews Online)

