KINILALA NG Department of the Interior and Local Government (DILG) Central Luzon ang apat na Barangay ng Bayan ng Pandi bilang B.E.S.T. Barangay (Building Excellence in Service and Transparency for Barangay) kamakailan.
Ito ay ang mga Barangay Real de Cacarong, Masuso, Baka-Bakahan at Cacarong Bata.
Ayon kay Mator Enrico Roque, ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa kanilang patuloy na pagsisikap, dedikasyon, at malasakit sa paglilingkod sa kanilang mga ka-barangay o nasasakupan.
Isa rin itong tagumpay, dagdag pa ng alkalde, na bunga ng pagkakaisa ng ating mga Punong Barangay, mga kawani, at buong pamayanan tungo sa mas mahusay, tapat, at responsableng pamamahala.
“Patuloy po nating isulong ang serbisyong may husay, transparency, at may puso at talino para sa bawat Pandieño!” pagtatapos ni Mayor Roque. (UnliNews Online)

