PANDI, Bulacan — Personal na dinalaw ni Mayor Enrico Roque ang mga Pandieño na lubhang naapektuhan ng malakas na pag-ulan dahil sa habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha nitong mga nakaraang araw.
Namahagi rin ang alkalde sa kanyang mga kababayan ng mainit na siomai lugaw upang maibsan ang lamig ng panahon.
Ani ni Mayor Roque sa kanyang Facebook post nu’ng Sunday, August 30, “Salamat po sa Diyos dahil sa pag-ikot natin sa mga barangay na may pagtaas ng tubig kahapon ngayon ay humupa na.”

“Mababakas na sa mukha ng ating mga residente ang ngiti at saya sa pakikimeryenda ng ating siomai lugaw na dala. Kung kahapon po ay puno ng pag-aalala ngayon ay may panibagong ngiti ng pag-asa,” dagdga pa ng alkalde.
Sinabi ng alkalde na patuloy nilang binabantayan ang kanyang mga nasasakupan, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office. (UnliNews Online)
Source: Mayor Enrico Roque FB Page

