Monday, June 8, 2026
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsBritish national at kasamang Pinoy nasakote sa drug sting sa Pampanga

British national at kasamang Pinoy nasakote sa drug sting sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ng pulisya ang isang umano’y miyembro ng international drug syndicate na nag-ooperate sa Central Luzon at mga kalapit na lalawigan sa inilatag na anti-illegal drug operation noong Linggo (Aug. 6) sa Barangay Balite, City of San Fernando, Pampanga.

Kinilala ni Police Regional Office 3 director Brigadier General Jose Hidalgo Jr. ang suspek na si Philip Craig Joseph, 53, British national at pansamantalang naninirahan sa Angeles City.

Sinabi ni Hidalgo na ang Filipino cohort ng suspek na kinilalang si Duane Bariso Manuel, 45, ng Angeles City ay naaresto rin sa isinagawang drug bust ng magkasanib na operatiba ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit, Pampanga Provincial 1st Mobile Force Company at City of San Fernando Police Station.

Matapos kumpirmahin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakasangkot nina Joseph at Manuel sa iligal na droga, agad na nag-utos si Hidalgo ng entrapment operation para madakip ang mga suspek.

Hindi naman nanlaban ang dalawa sa pag-aresto ng mga pulis matapos matanggap ang P1,000 marked money mula sa isang undercover agent kapalit ng isang sachet ng shabu.

Agad na nagsagawa ng masusing paghahanap sa loob ng sasakyang Honda Civic (WHT-366) na ginamit ng mga suspek sa kanilang iligal na pakikipagkalakalan ng droga at nasamsam ang 12 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 65 gramo ang bigat at tinatayang may street value na aabot sa P442,000.

Bukod sa kotse, nakuha rin ng mga pulis sa mga suspek ang P1,000 marked money na ginamit sa buy bust, isang gray na pouch, at isang Samsung phone.

Nakadetine sa kasalukyan ang mga suspek sa District Jail ng City of San Fernando matapos ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act No. 9165 sa korte.

Ayon pa kay Hidalgo na patuloy ang isinasagawang operasyon habang pinalalakas ng Central Luzon police ang pagsisikap na mapuksa ang paglaganap ng iligal na droga upang makamit ang drug-free region. (UnliNews Online)

  • Bulacan PNP tiniyak ang ligtas na balik-eskwela sa Malolos

    Bulacan PNP tiniyak ang ligtas na balik-eskwela sa Malolos

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw ng Lunes (June 8), personal na binisita ni P/Col. Jay B. Baybayan, Provincial Director ng Bulacan PPO, kasama si P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, ang City of Malolos Integrated School (CMIS) sa Barangay Sto. Rosario upang inspeksyunin…


  • 3,300 batang Pandieño, tumanggap ng libreng bag at school supplies

    3,300 batang Pandieño, tumanggap ng libreng bag at school supplies

    PANDI, Bulacan — Namigay ng mga gamit sa eskwela sa mga Grade 1 students ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kasama ang mga kosehal ng bayan ngayong unang araw ng Balik Eskwela 2026. Nasa 3,300 na estudyante ang nabigyan ng libreng bag at school supplies sa bawat pampublikong paaralan dito…


  • 2 ‘tirador ng motorsiklo’ timbog! Droga, baril at granada nasamsam

    2 ‘tirador ng motorsiklo’ timbog! Droga, baril at granada nasamsam

    CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Natimbog ang dalawang lalaki habang tatlo pa nilang kasamahan ang pinaghahanap matapos masangkot sa carnapping ng motorsiklo at makumpiskahan ng iligal na droga, baril, at granada sa follow-up operation ng pulisya bandang alas-7:30 ng gabi noong Sabado (Hunyo 6)sa Santiago St., Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan. Batay sa ulat ng Doña…


Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News