Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsDating pangulo ng NAPOCOR, ’wagi bilang Natatanging Babae sa Gawad Medalyang Ginto

Dating pangulo ng NAPOCOR, ’wagi bilang Natatanging Babae sa Gawad Medalyang Ginto

LUNGSOD NG MALOLOS — Itinanghal ang dating Pangulo at CEO ng National Power Corporation at 17 taong Panlalawigang Tagapangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na si Ma. Gladys Cruz-Sta. Rita mula sa bayan ng Marilao bilang Natatanging Babae sa ginanap na Gawad Medalyang Ginto sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng ito noong Lunes.

Maliban sa mga posisyong hinawakan niya sa gobyerno, si Sta. Rita ang kasalukuyang Pangulo ng Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation Inc., isang ampunan para sa mga inabandonang matatandang babae; Pangulo ng Dangal ng Bulacan Foundation Inc.; at isang Trustee ng Galing Pook Awards Foundation, Inc. Ang Natatanging Babae 2023 rin ang may akda ng “Running a Bureaucracy”, isang University of the Philippines Centennial Book na inilathala ng UP-NCPAG noong 2008.

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi lamang ilaw ng tahanan ang mga babae kundi sila rin ang pundasyon ng matibay na tahanan dahil ang katatagan ng pamilya ay nagmumula sa katatagan ng mga ina.

“Tungkulin po nating bigyan din ang mga kababaihan ng kapanatagang mamuhay sa isang malaya, ligtas, at inklusibong lipunan. Tapos na po ang panahong nakakahon lamang sila sa ano ang dapat nilang suotin o gawin. Panahon na upang pagbuksan natin sila ng maraming pintuan tungo sa kanilang pag-unlad. Panahon na upang lumikha ng isang mundong ang mga kababaihan ay pantay na kasama sa lahat ng aspeto ng lipunan,” anang gobernador.

Kabilang din sa mga nagwagi sa Gawad Medalyang Ginto ang Soroptimist International of Plaridel para sa Natatanging Samahang Pangkababaihan; KPK Norzagaray para sa Matagumpay na KPK; si Mariel Lyn Biason ng Norzagaray para sa Matagumpay na Babaeng Mangangalakal; Esterlita San Miguel mula sa Marilao para sa Matagumpay na Babaeng Makakalikasan; at Mary Jane Delos Isla para sa Huwarang Babae sa Makabagong Pagnenegosyo.

Ipinagkakaloob ang Gawad Medalyang Ginto sa mga Bulakenya na mayroong hindi matatawarang kontribusyon sa lalawigan at nagsisilbing inspirasyon at gumagawa ng mga programa na magtataas sa kagalingan at kapakanan ng kababaihan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments