Tuesday, May 21, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsHWPL, isinusulong sa UN na isabatas ang dokumentong pangkapayapaan

HWPL, isinusulong sa UN na isabatas ang dokumentong pangkapayapaan

MANILA — Sa gitna ng matitinding isyu na nagbabanta sa pandaigdigang seguridad at kapayapaan, ang isang internasyonal na non-government organization na Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ay naghahangad na gawing legal ng Kongreso ng Pilipinas ang Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW), isang dokumentong isinusulong upang maging resolusyon ng United Nations.

Bilang pagdiriwang sa proklamasyon nito noong taong 2016, idinaos ng HWPL ang Ikapitong Taunang Paggunita ng DPCW noong ika-14 ng Marso na nilahukan ng 41 na mga bansa. Sa Pilipinas, may kabuuang 1,600 na katao ang dumalo online mula sa larangan ng pulitika, legal na propesyon at relihiyon, edukasyon, media, kababaihan, at kabataan.

Sa temang “Institutional Peace: Strengthening Communication to Build Trust (Institusyonal na Kapayapaan: Pagpapalakas ng Komunikasyon sa Pagbuo ng Tiwala)”, ibinahagi ang mga halimbawa at pamamaraan ng pag-iwas sa kaguluhan, pagiging tagapamagitnâ, at mga resolusyon upang gawing institusyonal ang kapayapaan sa pamamagitan ng DPCW bilang isang kulturang unibersal at pamantayan.

“Ang deklarasyong ito, na binubuo ng 10 artikulo at 38 na sugnay, ay naglalayong ibalik ang diwa na nagsilbing batayan para sa pagtatatag ng United Nations at upang makamit ang napapanatiling kapayapaan sa pamamagitan ng pagsulong ng mga unibersal na pagpapahalaga ng pandaigdigang komunidad. Ang DPCW ay naglalaman ng mga mensahe ng kawalan ng digmaan, kapayapaan sa pagitan ng mga bansa at lipunan, pakikipagkaibigan, kasaganaan, kaligayahan,” ani Prof. Dr. Md Nazrul Islam, Tagapangulo ng Internasyonal na Batas sa Unibersidad ng Dhaka na naging bahagi ng komite na bumalangkas ng DPCW.

Ang DPCW ay binalangkas ng mga eksperto sa internasyonal na batas upang itaguyod ang pagsisikap ng mga mamamayan at pamahalaan sa pagbuo ng kapayapaan. Sinusuportahan ng DPCW ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 70 ng Pangulo ng Pilipinas, na nag-uutos na maging isakatuparan ang isang holistikong pamamaraman tungo sa pagkamit ng inklusibo at napapanatiling kapayapaan. Nagsusumikap ang HWPL at ang mga katuwang nito sa kapayapaan na makakuha ng National Solidarity Support lalong-lalo na sa Pilipinas. Para dito, isang resolusyon ang pinagtibay sa ginanap na 1st National Peace Convention noong ika-25 ng Enero upang manawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng “Pambansang Araw ng Kapayapaan”—isang special working holiday.

Nagbigay ng mga mensahe ng pagbati ang mga opisyal ng gobyerno at mga kilalang tao mula sa Pilipinas kabilang sina Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Cynthia Villar, Atty. Nasser Marohomsalic, Commissioner ng National Amnesty Commission, Congressman Edwin Olivarez, at Unang Hirit host na si Suzi Entrata-Abrera.

“Ang pagtataguyod sa mararangal na mithiing ito ay higit na kailangan sa ngayon lalo na’t patuloy tayong nahaharap sa mga hindi inaasahang pangyayari at mga mapagbantang sitwasyon sa buong mundo. Sa diwa ng pagkakaisa, hinihikayat ko ang lahat na makipag-usap at magtrabaho nang walang pagod tungo sa institusyonalisasyon ng kapayapaan sa ating mundo pagkatapos ng pandemya,” wika ni Sen. Gatchalian.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi rin ni Vice Governor Jayvee Tyron Uy ng Davao de Oro ang kanilang pagsusumikap na itatag ng kapayapaan sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga lider at komunidad, “Noong Hunyo 2022, opisyal na idineklara ang Davao de Oro bilang isang probinsya na insurgency-free at ang komunikasyon ay may malaking bahagi sa pagkamit ng layuning ito… Sigurado ako na sa pamamagitan ng patnubay ng HWPL, mas maraming lugar ang magpapahalaga sa komunikasyon bilang isang pangunahing inisyatibong pangkapayapaan.”

Isa ang Davao de Oro sa mga lokal na pamahalaang nagpahayag ng suporta sa DPCW sa pamamagitan ng isang resolusyon. Bukod sa Davao de Oro, ang sangay ng HWPL sa Pilipinas ay nakatanggap din ng mga resolusyon mula sa Lungsod ng Davao, Munisipalidad ng Kapalong (Davao del Norte), Lungsod ng Cotabato at Maynila.

Bukod dito, inihanda rin ang mga hakbangin ipang isulong ang kapayapaan sa bansang Ukraine. Mula sa higit 100 na mga bansa, sumulat ang mga tao ng “Peace Letters” upang tuligsain ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine bilang paglabag sa internasyonal na batas, at hilingin Pangulong Putin ng Russia na lisanin ang teritoryo ng Ukraine.

“Ikaw at ang digmaang ito ay maalala ng mga darating na henerasyon ng Russia bilang isang permanente at nakahihiyang kasaysayan, at ikaw ay maiiwan sa kasaysayan bilang responsable sa pagsasakripisyo ng mga di-mabilang na mga inosenteng buhay,” nakasulat sa isa sa mga liham. Ang mga liham na ito ay kokolektahin at ipapadala sa Ukraine kung saan itatayo ang isang peace monument.

Binigyang-diin ni HWPL Chairman Lee Man-hee, “Ang kapayapaan ay hindi makakamit nang mag-isa. Kung ang lahat ay mamumuhay nang sama-sama bilang iisa, walang mga digmaan o salungatan. Ang DPCW ay ipinakilala upang i-renew ang hindi gumaganang internasyonal na batas upang wakasan ang digmaan. Kung magbabago ang puso ng mga tao, malilikha ang isang mas magandang mundo. Ang lahat ng kabilang sa pandaigdigang komunidad ay dapat na maging mga mensahero ng kapayapaan.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa DPCW, maaaring bisitahin ang website: https://bit.ly/hwpldpcw (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments