Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsFernando, Castro namahagi ng relief goods sa coastal villages ng Malolos

Fernando, Castro namahagi ng relief goods sa coastal villages ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro ang pamamahagi ng mga relief goods sa coastal village ng Pamarawan noong Miyerkules (Aug. 23).

Ang mga relief goods ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at bahagi ng relief packages na ibinigay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa kanyang pagbisita sa lalawigan kamakailan para sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha kamakailan na dulot ng habagat na pinalakas ng mga Bagyong Egay at Falcon.

Sina Fernando at Castro ay nakiisa sa mga empleyado ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Rowena J. Tiongson kung saan mahigit 1,000 pamilya ang nakatanggap ng relief package.

“Kahit saang lupalop pa sila ng Bulacan, ihahatid ko ang mga tulong sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga national agencies,” ani ng gobernador.

Nauna rito, namahagi sina Fernando at Castro ng humigit-kumulang 500 relief goods sa Barangay Calero, isang coastal village din sa Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments