Thursday, July 18, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews BulacanMalolos most wanted person, nasakote sa Ilocos!

Malolos most wanted person, nasakote sa Ilocos!

LUNGSOD NG MALOLOS — Naaresto ng mga operatiba ng Malolos City ang tinaguriang most wanted person ng lungsod nu’ng Martes (March 21) sa Batac City, Ilocos Norte.

Base sa ulat kay Col. Relly Arnedo, Bulacan provincial director, kinilala ang suspek na si Larry Cantong Jr., 19-anyos, at wanted sa pagpapatay kay Jayson Mendiola, 59 anyos n’ung nakaraang taon.

Hindi na nakapalag pa ng arestuhin si Cantong sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong pagpatay sa biktima.

Ayon kay Lt. Col. Andrei Anthony S. Manglo, acting Chief of Police ng Malolos, naganap ang insidente noong October 6 ng nakaraang taon sa barangay Look 2nd ng magtalo sina Canlong at Mendiola.

Sinita  ng biktima ang lasing na si Cantong dahil dumaan ito sa bakuran ni Mendiola ng hindi nagpapaalam, na naging sanhi ng pagtatalo na nauwi sa pananaga ni Cantong.

Matapos ang insidente ay nagtago na ang suspek hanggang matunton nga ito ng mga operatiba ng Malolos CPS sa Batac City at agad na inaresto.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kustodiya ng Malolos PNP na mahaharap sa kasong Homicide. (UnliNews Online) 

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments