STA. MARIA, Bulacan — Pinangunahan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go katuwang si Congressman Salvador Pleyto, ng ika-6 na distrito ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Sitio Dulong Bayan, Brgy. Poblacion, Santa Maria, Bulacan nung Martes (March 21).
Ibinahagi ng senador ang tulong sa may 1,000 benepisyaryo sa Sitio Dulong Bayan sa nasabing barangay.
Ang mga benepisyaryo ng Bulakenyo sa Santa Maria ay bahagi ng sektor na tinutulungan sa ilalim ng DSWD AICS na kasama sa mga serbisyong proteksiyon ng ahensya para sa mga indibidwal na kabilang sa mga mahihirap, marginalized, vulnerable, at disadvantaged na sektor.
Nilalayon ng AICS na magbigay ng agarang tulong sa mga pamilya at indibidwal na nakaranas ng mga krisis tulad ng mga insidente ng sunog at baha.
Ang bawat recipient ay tumanggap ng P3,000 mula sa DSWD-AICS, habang ang family food packs, vitamins, face masks, at basketball para sa mga kabataan ay ibinigay sa kanila ng Office of Senator Go.
Dumalo rin sa pamamahagi sina Sta Maria Mayor Bartolome R. “Omeng” Ramos, Vice Mayor Eboy Juan, at ilang konsehal ng bayan.
Sinabi ni Sen Go na hindi siya pumupunta sa bayan para lamang dalhin ang serbisyo publiko kundi para mapangiti ang mga tao.
“Huwag po kayong magpasalamat sa akin, trabaho ko ang magserbisyo sa inyo,” ani Sen. Go.
Ang AICS ay kabilang sa mga protective services ng DSWD kasama ng supplemental feeding program, social pension, disaster risk management, at community-based services. (UnliNews Online)