Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeUnliNews BulacanCommunity Plastic Station sa Baliwag, pinasinayaan

Community Plastic Station sa Baliwag, pinasinayaan

BALIWAG CITY, Bulacan — Pinangunahan nina Senador Joel Villanueva at Baliwag City Mayor Ferdinand Estrella ang pagpapasinaya ng Community Plastic Station sa Central Kalikasan Center, Sitio Mulawin Bata, Brgy. Tarcan sa naturang lungsod nu’ng Thursday (March 23).

Senador Joel Villanueva habang nagbibigay ng kanyang mensahe. (Baliwag MIO)

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang nasabing Platic Station ay magsisilbing Material Recovery Facilities ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag.

Isa itong Shared Service Facility o SSF na dudurog sa anumang uri ng plastik upang maging materyales sa paggawa ng hollow blocks at mga bricks.

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng DTI sa halagang P950 thousand.

Ayon kay Mayor Estrella, target ng pamahalaang lungsod na unti-unti nang magamit ang mga hollow bocks at mga bricks sa iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura. (UnliNews Online)

Source: PIA Bulacan

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments