Friday, December 6, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsMga residente ng Malolos, nakatanggap ng mga ‘assistive devices’

Mga residente ng Malolos, nakatanggap ng mga ‘assistive devices’

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi bababa sa 115 residente ng nabanggit na lungsod ang nakatanggap ng mga assistive devices tulad ng wheelchair, walker, blood pressure monitor, at nebulizer mula kay Malolos City Mayor Christian D. Natividad nu’ng Miyerkules (Marso 29).

Ang pamamahagi ng mga kagamitan ay bahagi ng pangako ni Natividad na ilapit ang serbisyo ng Munisipyo sa kanyang mga nasasakupan sa 51 barangay ng lungsod.

Ilan sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Catmon at Santor sa lungsod ay dumaranas ng iba’t ibang karamdaman.

Binigyan sila ng alkalde ng 50 wheelchair, 20 walker, 20 blood pressure monitor, at 25 nebulizer. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments