Thursday, July 18, 2024
Amana Water Park
HomeRegional NewsCol. Dimaandal, bagong PD ng Pampanga

Col. Dimaandal, bagong PD ng Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga — May bagong talagang Provincial Director ang Pampanga Police Provincial Office (PPO) sa katauhan ni PCol. Jay C Dimaandal.

Ang pormal na pag-upo ni Dimaandal blang PD ng Pampanga ay isinagawa noong Wednesday (June 12) sa Bale Katimawan, Pampanga Police Provincial Office, City of San Fernando sna pinangunahan ni PRO 3 Regional Director Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr.

Si Col. Dimaandal ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class Sinaglaya 2002 ang pumalit sa puwesto ni Col. Levi Hope B Basilio.

Bago naging Provincial Director ng Pampanga, siya ang Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion at Chief ng Regional Special Operations Unit ng PRO3.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat kay Gobernador Dennis Garcia Pineda sa kanyang walang humpay na suporta, patnubay, at sa pagtitiwala sa akin ng tungkulin bilang Provincial Director ng Pampanga,” ani Dimaandal.

Dagdag pa nito na “isang karangalan na makipagtulungan kay Gobernador Pineda at iba pang lokal na ahensya upang mapahusay ang seguridad ng Pampanga, na ginagawa itong mas ligtas para sa mga residente, kaaya-aya para sa negosyo, at isang lugar kung saan ang mga pangarap ay maaaring umunlad sa kapayapaan.”

“Sa pagharap ko sa tungkuling ito, masigasig akong makikipagtulungan sa ating mga stakeholder para palakasin ang pagpapatupad ng batas, tinitiyak ko na ang Pampanga Police Provincial Office ay mananatiling beacon ng kaligtasan, hustisya, at pakikipag-ugnayan sa komunidad,” saad ni Col. Dimaandal sa kanyang mensahe. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments