Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSuspek sa pagpatay sa Lebanese sa Baliwag, sumuko!

Suspek sa pagpatay sa Lebanese sa Baliwag, sumuko!

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang 47-anyos na driver na hinihinalang sangkot sa pagpatay sa isang Lebanese national ang kusang sumuko sa mga pulis nitong Lunes ng umaga, (Dec. 8, 2025), at inamin ang krimen kasama ang pagsuko ng baril na ginamit umano niya sa pamamaril.

Kinilala ang suspek na si “Ramil,” residente ng Barangay Malou, Gapan City, Nueva Ecija. Dumating siya sa Baliwag City Police Station sa Barangay Pagala dakong 10:30 a.m. noong December 8, 2025 at inamin ang pagbaril kay “Mr. Khalil,” isang Lebanese national, noong nakaraang Nobyembre.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente noong November 23, 2025, sa pagitan ng 7 ng gabi hanggang 7:11 p.m., sa loob ng isang village sa Barangay Sabang, Baliwag City. Isinuko rin ni “Ramil” ang isang Armscor STK cal. 9mm pistol na may serial number RIA2712783, na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Ayon sa pulisya, ang kusang pagsuko ng suspek ay malaking tulong upang makuha ang kanyang sinumpaang salaysay at ang baril, na magsisilbing pangunahing ebidensiya sa pagsasampa ng kaso at pag-usad ng proseso sa korte.

Pinuri ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr. ang mabilis na aksyon ng Baliwag police at binigyang-diin na dapat manaig ang pananagutan at hustisya.

“May buhay na nawala at may pamilyang naghahanap ng sagot,” ani RD Peñones Jr.
“Pilipino man o dayuhan, may karapatan ang bawat isa na maging ligtas dito sa Central Luzon at sa buong bansa. Walang dapat matakot na pumunta, tumira, o magnegosyo dito.”

Dagdag pa niya, magiging masinsinan ang imbestigasyon at susundin ang tamang proseso.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at nakikipag-ugnayan na rin sa pamilya ng biktima. Inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso habang patuloy ang pagkalap ng mga dokumento at testimonya. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News