Tuesday, September 22, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPandi Enhancement Center, bagong oportunidad para sa mga Pandieño

Pandi Enhancement Center, bagong oportunidad para sa mga Pandieño

PANDI, Bulacan — Mas maraming oportunidad para sa pagkatuto, skills development at kabuhayan ang mabubuksan para sa mga residente sa pamamagitan ng bagong Pandi Enhancement Center, na pormal nang pinasinayaan ng Pamahalaang Bayan nu’ng Monday (September 21).

Layunin ng naturang pasilidad na magsilbing sentro para sa iba’t ibang training at skills development programs na makatutulong sa mga Pandieño na mapaunlad ang kanilang talento, dagdagan ang kanilang kakayahan at maging mas handa sa mga oportunidad sa trabaho at negosyo.

Ayon kay Konsehal Arman Concepcion, sa pagkakaroon ng mas accessible na lugar para sa pagsasanay, mas mapapalapit sa mga residente ang mga programang maaaring makatulong sa kanilang career development at paghahanap ng pagkakakitaan.

Ang pormal na pagpapasinaya ng Pandi Enhancement Center, na magsilbing sentro para sa iba’t ibang training at skills development programs na makatutulong sa mga Pandieño na mapaunlad ang kanilang talento.

“Maaari ring makinabang dito ang mga naghahanap ng trabaho, kabataan, mga nais magkaroon ng bagong livelihood skills, at mga manggagawang nais dagdagan o pagbutihin ang kanilang kasalukuyang kakayahan,” Dagdag pa ni Concepcion.

Para sa mga kabataan, magsisilbi rin itong dagdag na venue upang matuklasan at mapaunlad ang kanilang mga talento at magkaroon ng praktikal na kasanayang maaari nilang magamit sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa kanilang magiging trabaho.

Makatutulong din ang enhancement center sa mga pamilya na naghahanap ng alternatibong pagkakakitaan, lalo na sa pamamagitan ng livelihood-oriented trainings na maaaring magbigay ng dagdag na source of income.

Si Konsehal Arman Concepcion habang nagbibigay ng mensahe sa pagpapasinaya ng Pandi Enhancement Center noong Monday (Sept. 21).

Bukod dito, inaasahang magsisilbi ang Pandi Enhancement Center bilang venue para sa mga seminar, workshop, orientation at iba pang capacity-building activities na makapagpapalawak sa kaalaman at kakayahan ng mga residente.

Ang pagtatatag ng Pandi Enhancement Center ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan na maghatid ng mga serbisyong may pangmatagalang pakinabang—hindi lamang para sa kasalukuyang pangangailangan kundi para rin sa kinabukasan ng bawat Pandieño.

Mga serbisyong tatak sa puso ng bawat Pandieño. Isang sERbisyong may Puso at Talino! (UnliNews Online)

Source: Mayor Rico Roque’s FB Page

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News