PANDI, Bulacan — Dahil sa patuloy na umiigting ang giyera sa Gitnang Silangan, napagkaisahan ng Team Puso at Talino sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque na ilaan ang kanilang isang buwang suweldo sa mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Kasama po sa nakiisa sa naturang bayanihan sina Kon. Noel Esteban, Kon. JonJon Roxas, Kon. Potpot Santos, Kon. Danny Del Rosario, Kon. Arman Concepcion, Kon. Monette Jimenez, Kon.Vic Concepcion, at ABC Kap. Ahl Angeles.
“Sa gitna po ng hamon na dulot ng kasalukuyang sitwasyon sa Middle East, ramdam po namin na isa sa pinakaapektado ang sektor ng mga tricycle drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin tulad ng bigas,” ani Mayor Roque.
Dagdag pa ng alkalde, “simpleng paraan po namin sa pagtulong, pero taos-puso po itong galing sa amin. Gusto po naming iparamdam na kasama ninyo kami sa bawat hamon. Hangga’t kaya po, nandito kami para umalalay.” (UnliNews Online)

