Sunday, June 21, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsMga tauhan ng LTO, ’huli sa entrapment operation!

Mga tauhan ng LTO, ’huli sa entrapment operation!

IMBIS na sila ang manghuli ng mga hindi rehistradong sasakyan, siyam na tauhan ng Land Transportation Office (LTO) Caraga Region ang naaresto sa isang entrapment operations na ikinasa ng mga kapulisan sa Brgy. Alubijid, Buenavista, Agusan del Norte Huwebes ng umaga (Hunyo 18, 2026).

Ayon sa mga awtoridad, ang mga naaresto ay nasangkot sa alegasyon ng pangingikil sa mga motorista at biyahedor sa kanilang mga operasyon sa mga lansangan. Ikinasa ang entrapment operation matapos makatanggap ng mga reklamo ang mga awtoridad mula sa mga apektadong motorista.

Ayon din sa LTO Central Office, matagal nang may mga reklamo laban sa mga tauhan kaugnay sa sinabing modus sa pangingikil mula sa mga motorista panahon sa kanilang pagsasagawa ng inspeksyon at panghihuli sa mga may traffic violations.

Ikinagagalak rin ng ibang mga drayber ang pagkakahuli ng mga suspek. Pahayag ng isang motorista, nakaranas umano siya ng pangingikil nitong Pebrero ngayong taon kung kailang nakuhaan umano siya ng P15,000 matapos pinara sa isang operasyon ng mga ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang buong detalye ng insidente at ang mga kasong mahaharap ng mga nahuli. Ang mga naaresto ay itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala ng husgado.

Sources: Philippine Emergency Alerts & One TV Philippines

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News