CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabababaihan at mga bata na apektado ng Southwest Monsoon o Habagat, pinalakas ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) ang presensya ng Women and Children Protection Desks (WCPD) sa mga evacuation centers.
Sa pamamagitan ng JBM Patrol System, regular na nagbabantay at nagsasagawa ng monitoring ng mga pulis sa paligid ng mga evacuation center upang maiwasan ang mga insidente at mapanatili ang seguridad ng mga evacuee.
Kasabay nito, nagbibigay rin ang Bulacan PPO ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado sa ilalim ng JBM CARES Program, bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtugon sa mga komunidad na apektado ng masamang panahon. (UnliNews Online)

