PANDI, Bulacan — Dinagsa ng mga Pandieño ang unang arangkada ng Serbisyo Caravan na isinagawa sa Barangay Cupang Covered Court.
Ang naturang caravan ay handog na serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque.

“Hindi na po kinailangang bumiyahe nang malayo dahil ang mga serbisyo mismo ang lumapit sa ating mga residente,” ani Mayor Roque.
Ang Serbisyo Caravan ay paghahatid ng libreng serbisyo sa mga Pandieño ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan tulad ng health services, livelihood assistance, recruitment, agriculture, social services, legal documents, at public safety.
At tuloy-tuloy po ito! Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng mga serbisyong mas mabilis, mas magaan, at mas malapit sa inyong lugar. (UnliNews Online)

