GUIGUINTO, Bulacan — Umabot sa 6,672 pamilya sa Guiguinto ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas bilang unang siklo sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na “Bawat Bayan Makikinabang” nu’ng Martes (Oct. 13).
Sunud-sunod na ipinamahagi sa 14 na barangay sa bayan ng Guiguinto ang nasabing mga bigas bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na maibsan ang gastusin sa pagkain ng mga residente.

Pinangunahan nina Bulacan Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alex Castro, kasama si Guiguinto Mayor Boy Cruz, ang pamamahagi ng bigas bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na maibsan ang gastusin ng mga pamilya at matulungan ang mga nangangailangang residente.
Naging katuwang sa implementasyon ng programa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan, at iba pang non-government organizations (NGOs).
Sa pamamagitan ng nasabing programa, layong maihatid ang tulong sa mas maraming pamilya at makatulong sa pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan, partikular sa pagkain. (UnliNews Online)

