LUNGSOD NG MALOLOS — Umabot sa 1,267 mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), noong Miyerkules (Mayo 20) na isinagawa sa New City Hall.
Kung matatandaan, may mga nauna nang napagkalooban nito noong ika-8 at 28 ng Abril, at ika-20 ng Mayo, 2026. Ayon sa datos mula sa Tanggapan ng Punong tagapangasiwa, umabot na sa tinatayang 6,405 benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa mga nasabing petsa.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng National Cash Assistance for Transport Sector ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

